total pushover | dycian mentor | saved & second
  • #AskSirGelo: What is love? How will you know if you are in love?

    Love is something that cannot be simply defined; it needs expression to be true. Ang isang bagay na puro salita, hindi mo paniniwalaan hangga’t sinamahan ng gawa diba? Bored na bored tayo sa basta-bastang discussion pero kapag kasama ka na sa interaction, aliw na aliw ka. Ganun din ang pagmamahal. Hangga’t salita lang ang alam mo tungkol dun, hindi ka pa nagmamahal. Hindi mo pa alam ang pagmamahal. Yes, you might know of it and you might have it within you, but are you doing anything to share the love? Love is never anyone’s monopoly. Parang Coke lang yan. I-share mo. Ishe-share pa ng iba hanggang marami ang maging masaya. But watch out kung ano bang pagshe-share ng love yan. 

    How will you know if you are in love? Test it against 1 Corinthians 13:4-7. FIRST, ARE YOU PATIENT ENOUGH? Love and waiting are two inseparable things. Cliche it may seem, but indeed anything worth having is worth waiting for. Second, are you kind enough to accept this person in spite of your total differences? Next, “love does not envy.” The moment mainggit ka sa kung anong meron sya o kung anong meron ang iba sa relationship nila, baka di ka naman in love. “LOVE NEVER BOASTS AND IS NOT PROUD.” Walang lugar sa pag-ibig ang pagyayabang. Tanggapin mo ang kahinaan mo at kapalpakan mo. Both of you. Strengthen each other.

    "Love is not rude and self-seeking." Kung puro sarili mo lang ang itinataas mo sa relasyon mo, o ingat ka dahil baka kung anong sabihin ng iba kapag kasama mo sya, pag-isipan mo yan. "It is not easily angered, it keeps no record of wrongs." Eto na siguro ang pinakapaborito ko. Kung puro init ng ulo ang umiiral sa ‘yo at kapag nagkaaway kayo, nagsusumbatan kayo ng nakaraan nyo, NEVER kang nagmahal. Ang taong mahal ka talaga ay yung taong bawat araw, clean slate ka sa kanya. Walang maalalang kasalanang ginawa mo kasi ang nakikita nya ay yung bagong pagkakataon para mapatunayan mong mahal mo sya. Each day, love has to grow deeper. "Love does not delight in evil but rejoices with the truth." Love also does not harbor lies. Never should your relationship run with false ideas na magpapauto sa inyo pareho. Isang kasinungalingan ang magiging mitsa ng pagpapatumba sa relasyong pinaghirapan nang matagal. Kahit ba matatag kayo sa isa’t isa, isipin nyo kung bakit kinailangang magsinungaling ng isa sa inyo.

    Lastly, “it always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.” Ang tunay na nagmamahal, hindi alintana kung anong nakaambang manakit sa kanya at kapakanan ng iba ang laging nauuna. Kahit ba nandun yung takot para sa sarili mo, let pure love drive out your fears. At kung nagmamahal ka, hindi dapat maubusan ng tiwala dahil yun ang isa sa nagpapatibay ng relasyon nyo. At kung may tiwala kayo sa isa’t isa, hope for the best future you can possibly have. Hindi naman pwedeng panandalian ang nae-envision mo para sa inyong dalawa, lalo pa tayong mga lalaki. Aim for the future you can have with her. And let that love persevere until the end. Hindi sa hiya na lang kaya mo patatagalin ang isang bagay, pero diba ang sarap isipin na hindi nauubusan ng couples na kahit matanda na, nakakakilig na magkasamang pupunta ng mall, holding hands? Hindi sila nakakadiri. Yun pa nga ang totoong nakakakilig. Because they persevered until the end.

    Mahirap dalumatin ang pag-ibig lalo pa kung wala pa tayong nalalaman sa kalawakan nito. 

  • #AskSirGelo: Ano po ba ang aking magagawa upang tunay akong maging inspirasyon para sa iba?

    Ang pagpapakatotoo sa sarili na siguro ang pinakamagandang gawin natin para maging inspirasyon tayo sa iba. Hindi kasi magandang magpakitang-tao ka lang na kung anong gusto mong makita ng iba, yun lang ang handa kang ipakita sa kanila. Gusto nating bulagin ang iba sa katotohanan ng pagkatao natin. What people see is what people should get from you. Ngayon kasi, tuwang-tuwa ang mundo sa mga taong magaling gumanap ng mga roles na malayo sa pagkatao nila, alang-alang sa pagtanggap ng nakararami at mga nakakaangat. But the moment we think of ourselves less is the moment we start thinking that others are as important or even more important than us. Kailangang ipakilala mo sa kanila na ikaw yung taong walang pretensions. But even though, leave a few pages kept hidden. Make room for surprises!